alone.

•October 9, 2010 • 1 Comment

I restore myself when I’m alone.
-Marilyn Monroe

ahon.

•October 4, 2010 • Leave a Comment

hindi ko na mapigilan. hindi na makaiwas.
nahuli mo na. nahulog na ako.
hindi na kayang makaahon. hindi na kayang bumagon.
hindi na kayang makawala.
alam kong wala ka ring gagawin para matulungan ako.
itayo. ayusin.
dahil hindi dapat.
dahil hindi ako ang nararapat.

may darating pa kaya para tulungan ako. ang taong magaabot ng kamay, walang pagalinlangan. walang takot.

________

hahayaan ko na muna ang sarili sa ganitong kalagayan habang wala pang dumarating. pero, may darating pa kaya. hayaan na. wala na akong pakialam.

lamang loob.

•May 17, 2010 • 8 Comments

alam ko guwapo ako.


yan ang sabi sakin ng pinakareliable na tao sa buong mundo, ang aking minamahal na INA!

yun din ang sabi ko sarili ko. eh xempre, yan kasi ang nakikita ko sa tuwing humaharap ako sa salamin.
yun nga lang, may piling angle lamang.
back view, yan ang angle kung san ako pinakaguwapo.
malaking tulong din ang konting lighting effects, kapag medyo dim, mas lumalabas ang tunay kong kaguwapuhan.

sa ngayon, naghahanap pa ako ng ibang paraan para maenhance ang biyaya sakin ng maykapal.
sangkatutak ang binibili kong pampaganda, or should i say pampaguwapo.
pands, iskinol, mastor at kung ano ano pang nakikita ko sa TV.
kulang na lang lagyan ko ng yelo ang mukha ko, halo-halo na!
tamang tama sa summer.

dahil naniniwala akong may mga tao pang naniniwala na ang kagandahan ay wala sa labas kundi nasa loob.

lagi akong nasa loob ng aming palasyo. tambay, TV, kain at tulog. (hehe. corny. shox)

di ko rin nakakalimutan na linisan ang aking mga lamang loob, lalo na ang aking puso.
yun din naman ang mahalaga eh, ang attitude at personality.

nakaka turn-off ang taong masama ang ugali, di ba! di ba!

kaya ikaw, umayos ayos ka.
di porket guwapo/maganda ka. magiinarte ka na.
gusto mo mapaslang?

______
dahil sa walang magawa at walang pang laman ang aking tiyan.
wala ding saysay ang mga nasasabi ko.
argh! gutom na ako.

masaya pa rin ako.

•May 9, 2010 • 10 Comments

nagmahal nga ako.

nang makilala kita, hindi ko inakala na magiging tayo.
hindi ko rin inasahan na magmamahal ako.

yung pagmamahal na alam kong totoo.
sa loob-loob ko, alam kong masasaktan ako, pero sa kabila nun, pinili ko pa ring ipagkatiwala ang puso ko sayo.
handa ako sa lahat,
handa akong masaktan. handa rin akong umiyak.
dahil kung hindi, ibig sabihin hindi rin ako handang magmahal.

lahat ng sinabi ko dati sa pag-ibig kinain kong lahat.
sinabi ko lahat ng yan sa isip lang, pero ngayon, puso lang  ang ginamit ko. nabalewala ang utak, naging tanga ako.
pero wala akong pinagsisisihan.

ngayon, kahit nasaktan at niloko mo ako.
di ko magawang magalit sa’yo. kasi nga mahal kita.

masaya pa rin ako kapag naalala kong naging tayo.

balang araw.

•March 6, 2010 • 10 Comments

hindi ko masukat ang kasiyahang aking naramdaman ng taggapin mo akong maging bahagi ng iyong buhay, bilang bahagi ng iyong kinikilalang pamilya.

nadagdagan ang aking dahilan para umasa sa isang magandang bukas. masayang araw.
nakahanap ako ng panibagong dahilan para mag-load, mag-subscribe sa unlicalls ng Globe, mag-ipon ng pera para makapag internet, makachat ka, makausap ka sa plurk.
mababaw lang akong tao, simple, hindi ako umaasa at humihingi ng sobra sobra.

pero lahat ng ito naglaho.
lahat ng sayang naramdaman ko hindi ko na mahanap.
lahat ng ginawa nating pag-uusap, kulitan, asaran, ang ating pagkakaibigan parang nabalewala.
nilamon ng aking kalungkutan.
ibinaon ng iyong galit.
dahil sa isang tanong.
isang pagkakamaling buong buhay kong pagsisisihan.

hindi ko inaasahan na aabot tayo sa ganito.
nagsisimula pa lang tayo, wala pa man tayong nabubuo gumuho na ang lahat.
hindi ko inaasahan na sa isang pagkakamali magagawa mo ding itapon ang lahat.
alam ko nasaktan kita. nainsulto.
pero di mo na ba talaga ako mapagbibigyan.
isang pagkakataon.
huling pag-asa.

hindi ito madali para sa akin pero kailangan kong gawin.
wala na rin akong magagawa. punong-puno ka ng galit.
ang paghingi ko ng tawad ay wala na rin kahahantungan.
ang tanging bagay na magagawa ko na lang ay ang umasa.
umasa na balang araw lahat ng galit na iyong nararamdaman ay maglalaho.
hindi man ngayon, hindi man bukas.
buwan o taon man ang bilangin. aasa pa rin ako.
maghihintay pa rin sayo.
balang araw.

this post is not about love.

You’re Beautiful

•February 8, 2010 • 9 Comments

for the past 16 hours, i have been watching this korean drama, YOU’RE BEAUTIFUL.
well here’s the synopsis:

Tae Kyung and On Yu are in search of a new member for their idol group, A.N.JELL. However, Mi Nam suffers an injury at the last moment. So Mi Nyu, his twin sister, is asked to step in for her brother. The rest of the drama follows the behind-the-scenes life of an idol group.

uhmmmm. what can i say?
the drama is really worth watching. my 16 hours didn’t go to waste. the story is good, so to the writers and producers, KUDOS for you.
the actors did really well too, especially Jang Geun Suk who played the lead role Hwang Tae Kyung, the leader of A.N.JELL and also So Mi Nyu’s love interest.

since i’ve mentioned Tae Kyung, it’ll be unfair if i will not mention the other A.N.JELLs.

  • Go Mi Nam or Mi Nyu when she is a girl, played by Park Shin Hye, she turned out to be the love interest of the three good looking angels.
  • Jeremy, played by Lee Hong Ki, gives a different atmosphere in this drama, he’s the funny one. He’s the one who always put the smile back on Mi Nyu’s face.
  • and of course, Kang Shin Woo, played by Jung Yong Hwa, my favorite. if you like Ji Hoo of Boys Over Flowers, then you would probably like him too. calm & gentle, understanding, caring, yun nga lang torpe (pero may reason naman.) sa totoo lang. if given a chance na magdecide kung sino ang dapat makatuluyan ni Mi Nyu, i wil choose Shin Woo over Tae Kyung. hehe. peace sa mga fans ni Tae Kyung.
Extended cast
  • UEE as Yoo He Yi
  • Bae Geu Rin as Sa Yu Ri (Fan club president)
  • Kim In Kwon as Ma Hoon Yi (Mi Nam’s manager)
  • Jang Won Young as Mr Kim (photographer, Nara Daily News)
  • Choi Ran as Choi Mi Ja (Mi Nam & Mi Nyu’s aunt)
  • Kim Sung Ryung as Mo Hwa Ran
  • Jung Chan as President Ahn
  • Choi Soo Eun as Wang Kko Di
  • Tae Hwang as staff
  • Yoo Seung Ho (cameo, ep9)

hope you can watch it too.
for sure you will fall in love with this korean drama.

nweiz, i have a good news for you guys.
according to kapamilyanovelas, You’re Beautiful will soon be airing on Philippine Television.
so konting hintay na lang.

bukas na.

•January 8, 2010 • 4 Comments

naalala mo pa ba ang linyang…
“sama-sama tayo. di ko kayo iiwan. LALABAN TAYO.”

nagsasawa ka na ba sa…
“si villar ang tunay na mahirap…”

sa.. “di ka nagiisa..” ni noynoy na mukhang niyayang magsuot ng dilaw na shirt ang lahat na artistang nakasalubong sa hallway ng GMA at ABS-CBN.

eh sa interview ni Michael V kay Manny Villar kaya..,
sa pagyayabang ni Binay sa magandang buhay ng mga residente sa makati…
sa BAR EXAM TOPNOTCHER na si Gibo.
sa mga nagawa ni Gordon.

at sa kung ano-ano pang kakornihan at pagpapabango ng pangalan ng mga pulitiko.

sana hindi pa.
kawawa ka kung punong puno ka na.

dahil bukas magsisimula na.

muli na namang madadagdagan ang mga nakakasawang patalastas.
istorbo sa panonood. nakakainis.
kung sabagay. matagal na pala nilang sinimulan.
gumastos sa napakahabang komersyal.
kumuha ng mga sikat na artista.
magpabango ng pangalan. magyabang ng mga nagawa nila.
mga nakaririnding jingle. paulit-ulit.

mga plano. pangako. kasinungalingan.
kanya kanyang diskarte. kanya kanyang pakulo.
kaninong komersyal kaya ang mangingibabaw.
kaninong diskarte ang magpapataob sa kalaban.

abangan natin bukas.