hiling ko lang.

alam kong mali. alam kong hindi dapat.
alam kong hindi siya ang taong sa akin ay nararapat.
pero pilit pa ring umaasang matupad itong pangarap
na pahalagahan niya rin ako sa paraang kahit sino man
ay di kayang isukat.

hindi ko hinihiling na ako ay kangyang ibigin
o umaasang balang araw ako ay pipiliin.
tanging hangad ko lang ako ay kanyang pansinin
at ang makasama ako ay kanya ring naisin.

hiling ko ay ituring ako hindi bilang isang kaibigan
pero hindi rin bilang isang kasintahan
ngunti isang tao na kanyang kailangan
na sa tuwing wala ako ay tila ba may kulang

alam kong magulo at mejo kumplikado
itong aking nararamdaman at aking ginugusto
kaya ang lahat ng ito ay akin ng isinusuko
pati na rin ang pagiging positibo
ng hindi na masaktan pa at muli na namang mabigo.

 

 

 

credits to http://www.mysupernaturalstories.com for the image above.

Advertisements

~ by eser on October 27, 2011.

2 Responses to “hiling ko lang.”

  1. Galing talaga ^^

  2. adik ka espren…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: