someone better.

naranasan mo na bang magmahal.
kung oo, sigurado akong naranasan mo na ding masaktan.

kung gaano mo minahal ang isang tao, ganun ding sakit ang mararamdaman mo.
o baka nga mas malala pa.
kung di ka nakakain ng maayos simula ng makikilala mo siya, o kaya nama’y di makatulog.
yan din ang mararanasan mo kapag nawala na siya sa’yo.

pero may sasakit pa ba kapag pagkatapos niyong maghiwalay at pagkatapos ng ilang buwan
siya pa rin ang mahal mo. umasa ka na balang araw magkabalikan pa kayo.
muli niyang masabi sayo na mahal ka rin niya.
na ikaw ang gusto niya.
ikaw ang gusto niyang makasama. mayakap.
ang taong aangkin sa kaniya.

sa pagnanais na matupad ang lahat ng ito, ginawa mo ang lahat.
sinuyo. pinaramdam na andiyan ka para sa kaniya.
na andiyan ka sa tabi niya kahit na anong mangyari.

sa huli ang sasabihin niya sayo na hanggang pagkakaibigan na lang ang kaya niyang maibigay sa’yo.
at alam mo na may ibang tao na nagmamayari ng puso niya.

sa kabila ng lahat ng ito, patuloy ka pa ring umasa.

hanggang sa isang araw, bigla ka na lang nauntog.
nadapa. at ang taong gusto mong tumulong sayo na tumayo ay hindi dumating.

nawalan ka ng pag-asa.
tinanggap mo ang sinapit na pagkalugmok.

—–

pero sa di inaasahang pagkakataon, dumating ang taong aahon sayo.
higit pa sa inaasahan mo.
higit pa sa ninanais mo.
higit pa sa sapat. higit pa sa nararapat.
hindi lang isa, hindi rin dalawa.

apat.
apat na taong alam mong andiyan kahit abutin ka ng “saltik”
apat na taong handang ipagsigawan sayo na ikaw ang pinakatangang tao kapag nakikita
nilang niloloko mo na lang ang sarili mo.
mga taong nagparamdam sayo na higit ka pa sa inaakala mo.
mga taong matatawag mong kaibigan.

salamat sa kanila.

—–
salamat!
geo-donnie-brian-marky

im sorry for all the dramas.
all the tears. “walk-out”.
and for the times that my self-esteem almost reach the ground.


now i do believe that i deserve someone better!

Advertisements

~ by eser on July 10, 2011.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: