bukas na.

naalala mo pa ba ang linyang…
“sama-sama tayo. di ko kayo iiwan. LALABAN TAYO.”

nagsasawa ka na ba sa…
“si villar ang tunay na mahirap…”

sa.. “di ka nagiisa..” ni noynoy na mukhang niyayang magsuot ng dilaw na shirt ang lahat na artistang nakasalubong sa hallway ng GMA at ABS-CBN.

eh sa interview ni Michael V kay Manny Villar kaya..,
sa pagyayabang ni Binay sa magandang buhay ng mga residente sa makati…
sa BAR EXAM TOPNOTCHER na si Gibo.
sa mga nagawa ni Gordon.

at sa kung ano-ano pang kakornihan at pagpapabango ng pangalan ng mga pulitiko.

sana hindi pa.
kawawa ka kung punong puno ka na.

dahil bukas magsisimula na.

muli na namang madadagdagan ang mga nakakasawang patalastas.
istorbo sa panonood. nakakainis.
kung sabagay. matagal na pala nilang sinimulan.
gumastos sa napakahabang komersyal.
kumuha ng mga sikat na artista.
magpabango ng pangalan. magyabang ng mga nagawa nila.
mga nakaririnding jingle. paulit-ulit.

mga plano. pangako. kasinungalingan.
kanya kanyang diskarte. kanya kanyang pakulo.
kaninong komersyal kaya ang mangingibabaw.
kaninong diskarte ang magpapataob sa kalaban.

abangan natin bukas.

Advertisements

~ by eser on January 8, 2010.

4 Responses to “bukas na.”

  1. oo nga.. simula na ng campaign period. naku! bahala na ang taong bayan na kumilatis sa kanila.. tsk tsk..

  2. dig deeper. be informed.
    Your vote will form the life we will have years from now.
    Think Filipinos

  3. […] bukas na. January 2010 3 comments […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: