sa wakas.

nagkaroon kami ng service meeting kahapon sa bahay ng minamahal naming coordinator. mejo late nga ako ng dating pero nasimulan ko pa naman kahit papano.

pagkaupo ko pa lang sinalubong na ako ng walang kamatayang tanong na “KUMUSTA KA?”

napaisip ako. napatanong  sa sarili kung kumusta na nga ba talaga ako? pilit kong binalikan ang mga nagdaang araw.ang mga lugar na napuntahan. mga taong nakausap. mgay bagay-bagay na nagawa. napagtanto ko na OK na pala ako. sa wakas, MASAYA NA AKO!

ang tanong, BAKIT AKO MASAYA? ano o sino ba ang nagpapasaya  sa akin ngayon? isa yan sa mga tanong na sobrang dinudugo ako kapag pilit kong hinahanapan ng sagot. ang hirap ipaliwanag. mas madali ko pang masagot “KUNG BAKIT AKO MALUNGKOT?”. hindi ko talaga alam eh. ang alam ko lang MASAYA AKO.

siguro nga ang kasiyahan ng isa tao, darating na lang kapag natuto ka ng tanggapin na ang lahat ng nangyayari ay may kahahantungan. ang lahat ng bagay ay may brighter-side.

hmmm. yun siguro ang dahilan kung bakit ako masaya. NATUTO NA AKO!

~ by eser on February 8, 2009.

2 Responses to “sa wakas.”

  1. natuwa naman ako sa picture hahaha ikaw ba yun? hahaha!!

    ganun talaga, minsan mas madali kasi talagang sabihing malungkot ka at sabihin ang mga bagay na nagpapaungkot sayo kesa sa mga bagay na dahilan kung bakit pakiramdam mo masaya ka. kasi naman, marami tayong dinedemand.. ganun lang siguro yun..

    • ehehehe…hindi po ako yun! sa internet lang.^^

      “kasi naman, marami tayong dinedemand.. “
      uu nga eh…kapag ang demand natin naibigay na…kulang pa rin…kasi magdedeman na naman tayo ng bago!

      “minsan nangangarap tayo ng nasa atin na…hindi lang natin napapansin”

Leave a comment