fading away.

•November 16, 2011 • Leave a Comment

hiling ko lang.

•October 27, 2011 • 2 Comments

alam kong mali. alam kong hindi dapat.
alam kong hindi siya ang taong sa akin ay nararapat.
pero pilit pa ring umaasang matupad itong pangarap
na pahalagahan niya rin ako sa paraang kahit sino man
ay di kayang isukat.

hindi ko hinihiling na ako ay kangyang ibigin
o umaasang balang araw ako ay pipiliin.
tanging hangad ko lang ako ay kanyang pansinin
at ang makasama ako ay kanya ring naisin.

hiling ko ay ituring ako hindi bilang isang kaibigan
pero hindi rin bilang isang kasintahan
ngunti isang tao na kanyang kailangan
na sa tuwing wala ako ay tila ba may kulang

alam kong magulo at mejo kumplikado
itong aking nararamdaman at aking ginugusto
kaya ang lahat ng ito ay akin ng isinusuko
pati na rin ang pagiging positibo
ng hindi na masaktan pa at muli na namang mabigo.

 

 

 

credits to http://www.mysupernaturalstories.com for the image above.

konti na lang.

•October 22, 2011 • Leave a Comment

someone better.

•July 10, 2011 • Leave a Comment

naranasan mo na bang magmahal.
kung oo, sigurado akong naranasan mo na ding masaktan.

kung gaano mo minahal ang isang tao, ganun ding sakit ang mararamdaman mo.
o baka nga mas malala pa.
kung di ka nakakain ng maayos simula ng makikilala mo siya, o kaya nama’y di makatulog.
yan din ang mararanasan mo kapag nawala na siya sa’yo.

pero may sasakit pa ba kapag pagkatapos niyong maghiwalay at pagkatapos ng ilang buwan
siya pa rin ang mahal mo. umasa ka na balang araw magkabalikan pa kayo.
muli niyang masabi sayo na mahal ka rin niya.
na ikaw ang gusto niya.
ikaw ang gusto niyang makasama. mayakap.
ang taong aangkin sa kaniya.

sa pagnanais na matupad ang lahat ng ito, ginawa mo ang lahat.
sinuyo. pinaramdam na andiyan ka para sa kaniya.
na andiyan ka sa tabi niya kahit na anong mangyari.

sa huli ang sasabihin niya sayo na hanggang pagkakaibigan na lang ang kaya niyang maibigay sa’yo.
at alam mo na may ibang tao na nagmamayari ng puso niya.

sa kabila ng lahat ng ito, patuloy ka pa ring umasa.

hanggang sa isang araw, bigla ka na lang nauntog.
nadapa. at ang taong gusto mong tumulong sayo na tumayo ay hindi dumating.

nawalan ka ng pag-asa.
tinanggap mo ang sinapit na pagkalugmok.

—–

pero sa di inaasahang pagkakataon, dumating ang taong aahon sayo.
higit pa sa inaasahan mo.
higit pa sa ninanais mo.
higit pa sa sapat. higit pa sa nararapat.
hindi lang isa, hindi rin dalawa.

apat.
apat na taong alam mong andiyan kahit abutin ka ng “saltik”
apat na taong handang ipagsigawan sayo na ikaw ang pinakatangang tao kapag nakikita
nilang niloloko mo na lang ang sarili mo.
mga taong nagparamdam sayo na higit ka pa sa inaakala mo.
mga taong matatawag mong kaibigan.

salamat sa kanila.

—–
salamat!
geo-donnie-brian-marky

im sorry for all the dramas.
all the tears. “walk-out”.
and for the times that my self-esteem almost reach the ground.


now i do believe that i deserve someone better!

2010 in review

•January 8, 2011 • Leave a Comment

The stats helper monkeys at WordPress.com mulled over how this blog did in 2010, and here’s a high level summary of its overall blog health:

Healthy blog!

The Blog-Health-o-Meter™ reads Wow.

Crunchy numbers

Featured image

A Boeing 747-400 passenger jet can hold 416 passengers. This blog was viewed about 2,500 times in 2010. That’s about 6 full 747s.

 

In 2010, there were 11 new posts, growing the total archive of this blog to 56 posts. There were 21 pictures uploaded, taking up a total of 3mb. That’s about 2 pictures per month.

The busiest day of the year was June 23rd with 114 views. The most popular post that day was YES! Magazine’s 100 Most Beautiful Stars.

Where did they come from?

The top referring sites in 2010 were plurk.com, facebook.com, en.wordpress.com, formspring.me, and alfionlee.wordpress.com.

Some visitors came searching, mostly for hurt, smiles, god, youre beautiful korean drama, and globe promos 2010.

Attractions in 2010

These are the posts and pages that got the most views in 2010.

1

YES! Magazine’s 100 Most Beautiful Stars June 2009
3 comments

2

You’re Beautiful February 2010
8 comments

3

ang hirap naman… January 2009

4

GLOBE SUPER-UNLI September 2009
5 comments

5

bukas na. January 2010
3 comments

pilit. subok. sulat.

•November 24, 2010 • Leave a Comment
nasubukan mo na bang basahin ang mga naisulat ko dito?
isa lang mapapansin mo, LAHAT KADRAMAHAN…

ilang beses ko ng sinubukang itigil ang pilit na pagsusulat.
walang kuwenta. parepareho. parang wala akong natututunan sa mga nangyayari.
nakailang subok na din akong magsulat ng iba, yung may laman naman.
yung lahat makakasakay.
lahat makakaintindi. yung matutuwa sila na binasa nila ang sinulat ko dahil may natutunan sila.
lahat ng yun nauwi sa wala.

di ko pinost kasi pakiramdam ko wala pa ring kuwenta.
sinubukan ko na ring magbasa ng mga librong may kinalaman sa pagsusulat.
english pa ha. pero ganun pa rin. walang pagbabago. wala pa ring kuwenta.
walang asenso.
di ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay pilit pa rin akong nagsusulat.
bakit di na lang ako kumanta. sumayaw. o kaya naman umarte.
di naman kasi ako artista. mukha lang artista. (sa madilim)

di ko alam kung saan mapupunta ang sinusulat ko ngayon.
baka mamaya mapunta na naman sa kadramahan.
RED LIGHTS!

kailangan itigil.
gusto ko kasi masaya naman ang mailagay ko dito.
DAHIL HINDI AKO EMO!

o wala ng napuntahan.
tama na nga.

ako na.

•November 14, 2010 • 4 Comments

bakit laging ako na lang ang nakakaalam.
kahit minsan hindi ko gustong alamin o kaya nama’y di ko dapat malaman.
ako pa rin ang nakakaalam.

bakit kasi ganito ako.
madali kong nababasa ang tao.
madali kong nalalaman kapag nagsisinungaling. may tinatago.
bakit ang dali sakin ng logic. ang psychology.

ako ang nasasaktan.
ako ang nahihirapan.
ako ang naiipit.

hindi ako puwede magsalita dahil may ibang masasaktan.
sinasarili ko na lang kahit mabigat.

—————–

masisi mo ba ang isang taong nagmahal.
kapag nagkaroon ng isang mahabang relasyon.
naghanap ng bago. nagmahal.
ng makita yung dating nakarelasyon dun niya malalaman na mahal niya pa pala ang taong yun.
mas mahal pa sa taong kasama niya ngayon.

tama bang hindi niya ito ipaalam sa karelasyon niya ngayon?
tama bang ayusin niya ito mag-isa?
tama bang kinakausap niya pa ang taong dating nangiwan sa kaniya.

ano ba ang tamang gawin?
ang itago ito sa kasama mo ngayon kasi alam mong masasaktan siya?
o ang ipaalam na ito sa kaniya habang mas maaga pa kasi dun din naman ang kahahantungan. may masasaktan.

—————–

kapag tinago mo ba ito masisigurado mong wala kang masasaktan?
paninindigan ang bagong relasyon na iyong pinasok?

—————–

nagmamahal tayo.
kasama diyan ang masasaktan ka.
at may masasaktan.

—————–

magulo isip ko ngayon.
wala akong matinong masabi ngayon.
masulat.
makuwento.

paumanhin.